-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang itinaas na mga alert levels sa ilang bansa sa Gitnang Silangan.

Kasunod ito sa mga nagaganap na giyera sa pagitan ng Iran, Israel at US.

Ayon sa DFA na hindi sila nagtaas ng alert level sa mga bansang Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at Qatar.

Ang nasabing paglilinaw ay kasunod ng pahayag ng Oversease Workers Welfare Administration (OWWA)na nagtaas ng alert level dahil sa kaguluhan.

Sa kasalukuyan ang mga nakataas na alert levels ay kinabibilangan ng Iran nasa alert level 2; Iraq- alert level 3; Israel- alert leve 2; Jordan- alert level 1; Lebanon -alert level 3, Palestine- alert level 4; Syria alert level 4 at Yemen Alert Level -4.

Tanging ang DFA kasi ang siyang nagtataas ng mga alert levels sa bawat bansa.