-- Advertisements --

Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang lumabas na ulat na pinapaimbestigahan nito ang insurance company na konektado sa pamilya Discaya.

Sa mga naunang ulat, lumalabas na pinapaimbestigahan umano ng LTFRB ang pagkakasama ng Stronghold Insurance consortium sa Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) para sa mga public uti­lity vehicles.

Ito ay sa kabila ng kabiguan nitong makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento sa palugit na itinakda ng ahensiya.

Lumabas din na ang kontrobersiyal na kumpaniya ang kinuha umano ng mag-asawang Sara at Curly Discaya sa kanilang mga nakuhang flood control project sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gayunpman, sinabi ng LTFRB na wala itong katotohanan.

Giit ng transportion regulatory board, wala itong inilabas na anumang kautusan o direktiba upang magsagawa ng imbstigasyon sa kumpaniyang konektado sa mga pamilya Discaya.