-- Advertisements --

Nagsagawa ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Lunes ng huling pagdinig tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects para sa 2025. Dumalo bilang resource persons sina AGAP Party-List Rep. Nicanor Briones at Budget Acting Secretary Rolando Toledo. Humiling si Briones ng executive session.

Ayon kay Atty. Winston Ginez, legal counsel ni Briones, nadungisan ang pangalan at integridad ng kanyang kliyente dahil sa “baseless at unfounded accusations.”

Dagdag niya, may pangamba si Briones na ang livestreaming ng pagdinig ay maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa kanyang reputasyon, at wala siyang kontrol sa maling interpretasyon ng publiko sa sensitibong impormasyon na kanyang ilalahad. Pinayagan ng ICI ang hiling ni Briones para sa executive session, habang pumayag siyang ipamahagi sa publiko ang kanyang sworn statement at exhibits.

Samantala, sinabi ng ICI spokesperson na Brian Hosaka na plano rin nilang imbitahan ang nagbitiw na DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, ngunit wala pang kumpirmasyon kung dadalo ito. (report by Bombo Jai)