-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang komedyanteng si Pokwang matapos na masangkot sa isang gulo ang kapatid nito.

Matapos kasi na batikusin ang ginawang pananakit ng kapatid ng komedyante sa lalaki na nagtutulak ng kariton sa Antipolo City.

Sa kaniyang social media ay humingi na ng paumanhin ang negosyante sa lalaki ganun din sa bata at sa publiko dahil sa maling inasal ng kapatid.

Kasabay din ito ay binatikos ng komedyante ang ilang mga pulitiko na idinamay ang buong pamilya nila kahit walang kinalaman sa insidente.

Magugunitang sinuspendi na ng 90 araw ng Land Transportation Office ang drivers license ng driver ng nasa video.