Pumalo na sa 109 katao ang nasawi habang mayroon pang 161 ang nawawala matapos ang naganap na flash floods sa central Texas.
Sinabi ni Texas Governor Greg Abbott, na patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa mga naiulat na nawawala.
Gumamit na ang mga otoridad ng 258 na mga responders kabilang na rin ang mga drones para mahanap ang mga nawawala.
Giit ni Abbott na hindi sila titigil sa paghahanap hanggang mahanap ang mga nawawala.
Tumulong na rin ang Mexico sa paghahanap ng mga nawawalang residente.
Habang kinumpirma naman ni US President Donald Trump na bibisita ito sa Texas sa araw ng Sabado.
Nagsagawa naman ng vigil ang mga residente ng San Antonio para sa mga biktima ng flash floods.
Sa Kerr County lamang ay mayroon ng 87 katao ang nasawi kabilang ang 56 na adults at 31 na mga bata.