President Donald Trump
President Donald Trump

Hinikayat ni US President Donald Trump ang China at Ukraine na imbestigahan si dating Vice President Joe Biden at anak nito.

Ayon kay Trump na dapat simulan na ng China na imbestigahan si Biden Jr na may negosyo sa nasabing bansa.

Inaakusahan kasi ng Democrats si Trump na ipinapaimbestiga si Biden sa Ukraine na ginamit ang nasabing isyu para harangin ang $400-M tulong ng US sa Ukraine.

Mariing pinabulaanan ni Trump na walang masama sa ginawa nitong pagtawag kay Urkrainian President Volodymyr Zelensky.

Tinawag din ni Trump na walang kuwenta ang impeachment complaint sa kaniya.