-- Advertisements --

Tinugunan ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang ulat ukol sa pagdami ng tinfoil barb (Barbonymus schwanenfeldii) sa Laguna de Bay, batay sa pinakahuling sightings at field reports nito.

Sa isang statement sinabi ng ahensya na masusi umano nilang mino-monitor ang presensya ng mga naturang invasive na isda sa paligid ng lawa.

Bukod dito, sinabi pa ng DA-BFAR na patuloy nilang pinaigting ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at sa Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Ayon sa DA-BFAR, mahalaga aniya ang koordinasyon upang matiyak ang problema at agarang tugon sa epekto ng species sa mga residente at likas na yaman ng lawa.

Kasama sa hakbang ang patuloy na pagsusuri, agarang mitigation strategies, at pagtukoy sa pinagmulan ng tinfoil barb.

Samantala kapag napatunayan na nakakaapekto ang naturang species sa balanse ng ecology o nakakasagasa sa mga katutubong isda, agad na maglulunsad ang BFAR ng mga programa tulad ng panlaban sa invasive species para sa Laguna de Bay.