Muling isasagawa ang ‘Takbo Para sa West Philippine Sea’, dito sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson, Commodore Jay Tarriela, nakatakda ito sa July 27 kung saan magsisilbing venue ang Quirino Grandstand, sa lungsod ng Maynila.
Ang malilikom na pondo sa ilalim nito ay gagamitin ng mga volunteer sa kampaniya para lalong maipakilala ang West Philippine Sea sa mga kabataang Pilipino, lalo na ang mga hamon na kinakaharap ng naturang katubigan na pilit inaagaw ng China.
Kabilang dito ang paggawa ng mga comic books na ipapamahagi sa mga kabataan na makakatulong sa kanila upang intindihan ang claim ng Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan.
Kasama rin dito ang nilalaman ng 2016 arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas, atbpang mahahalagang nilalaman ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).
Ayon kay Comm. Tariela, ang mga serye ng Takbo Para sa West Philippine Sea ay bahagi lamang ng nagkakaisang kampaniya ng pamahalaan, volunteers, at mga uniformed personnel upang isulong ang pagmamahal sa WPS at sa soberanya ng Pilipinas sa kabuuan.