Binatikos ni US President Donald Trump ang European leaders dahil sa pagiging mahina.
Sinabi nito na ang nabubulok na umanong European contries ay bigong makontrol ang migration at gumawa ng hakbang para matapos ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Inakusahan din sila ng US President na hinahayaan ang Ukraine na lumaban hanggang ito ay bumagsak.
Ang nasabing pahayag na ito ni Trump ay matapos ang ilang araw ng makipagpulong si Ukraine President Volodymyr Zelensky kung saan plano nila baguhin ng bahagya ang ceasefire deal na isinusulong ng US.
Pinipilit kasi ni Trump na pumayag na ito ceasefire kung saan bahagi dito ay ang pagbibigay ng teritoryo nito sa Russia mula ng simulan ang pag-atake noong Pebrero 2022.
Nagmatigas naman si Zelensky at hindi papayag na basta ipamigay ang teritoryo kaya nais nito na baguhin ang ceasefire.
















