-- Advertisements --
Nagtapos sa pang-apat na puwesto ang pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2025 na ginanap sa Egypt nitong Enero 29, 2026.
Itinturing ng 20-anyos na si Christina Labareño Vanhefflin na isang karangalan na maging pang-apat sa puwesto sa 53rd edition ng nasabing pageant.
Dagdag pa nito na mayroong 57 na kalahok mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang kaniyang nakaharap.
Nagwagi naman sa pageant ang pambato ng Russia na si Varvara Yakovenko.
Habang first runner up naman si Lorena Suarez ng Cuba; second runner up naman si Vanessa Wenk ng Thailand at third runner up naman si Faidha Kassim ng Tanzania.















