Iginigiit ni NBI Director Melvin Matibag na banta sa national security ang ugnayan ng pamilya Duterte, partikular si Vice President Sara Duterte, sa Chinese entities.
Aniya, batay sa mga rekord na hawak nila pati na rin sa Securities and Exchange Commission (SEC), lumalabas ang kaugnayan ng negosyanteng si Jaime T. Cruz isang dating Special Envoy to China sa mga kumpanyang idineklara ng Bise Presidente sa kanyang SALN.
Binigyang-diin nito na pumasok ang humigit-kumulang P19 milyong pondo at suportang pinansyal mula sa SDB Corporation patungo sa JTC Group at iba pang mga kaugnay na korporasyon ng pamilya.
Lumalabas sa pagsusuri ng mga otoridad na may malaking hindi pagkakatugma at kakulangan sa opisyal na corporate paper filings ng mga nasabing kumpanya kumpara sa kanyang SALN.
Kasama rin sa mga rekord ng NBI sina Congressman Pulong Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte ukol sa JT Corporation at iba pang mga korporasyon.
Lumilitaw naman sa mga lumang dokumento mula noong 2013 ang paglahok ng ilang Chinese personalities tulad ni Hei Peng na kalaunan ay hindi na matagpuan sa mga nasabing kumpanya.















