Inimbitahan ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy si Russian President Vladimir Putin para sa pag-uusap sa Kyiv kung talagang gusto niya.
Ayon sa Ukraine President na handa ito sa anumang uri ng pagpupulong pero hindi siya magtutungo sa Russia o Belarus gaya ng imbitasyon sa Kremlin.
Dagdag pa nito na napaka-imposible sa kaniya na magpunta sa Russia para sa pagpupulong ganun kay Putin na pumunta sa Kyiv kaya hinamon na lamang niya itong magtungo rin sa Ukraine.
Giit nito na nangunguna ang Russia na maglunsad ng giyera kung saan kasabwat nito ang bansang Belarus. Maguguntang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng pag-uusap ang dalawang bansa na ginanap sa Abu Dhabi habang ang itinakda naman sa araw ng Linggo ang ikalawang peace talks na pangungunahan ng US.















