Itinanghal bilang winner ng Korean singing competition na Veiled Cup si Arabelle Dela Cruz, na kilala bilang “Laguna Diva” mula sa Pilipinas.
Ang ika-apat at huling episode ng palabas ay ipinalabas noong Pebrero 1, kasama si Lee Da-hee bilang host at mga hurado na sina Tiffany Young, Kwon Jung-yeol (10cm), Ailee, Paul Kim, Henry Lau, at Miyeon.
Sa top five, nakipagtagisan na si Arabelle laban kina Bangkok Soul Man at Phang Nga Bay Fighter mula Thailand, Vientiane Red Hair mula Laos, at Gyeongsang-do Iron Voice mula South Korea.
Pinahanga niya ang hurado sa kanyang rendition ng Feeling Good ni Michael Bublé, kung saan nakakuha siya ng kabuuang 485 points, kabilang ang perfect score na 100 mula kay Tiffany Young.
Sa final results, nakamit ni Arabelle ang unang pwesto na may kabuuang 7,137 points.
Nahahati ang score sa:
4,850 points mula sa judges (50%)
1,034 points mula sa live voting (20%)
544 points mula sa global online voting (20%)
709 points mula sa music vote (10%)
Samantala, second place naman ang Thailand na si Phang Nga Bay Fighter na may 6,064 points, kasunod si Bangkok Soul Man (5,058 points), Gyeongsang-do Iron Voice (5,046 points), at Vientiane Red Hair (4,817 points).
Bukod kay Arabelle nagpasiklab rin ng talento sina Garrett Bolden (“Zambales Beast”) at Thea Astley (“Manila Storyteller”) ay nakasama rin sa naturang singing contest.










