-- Advertisements --

Magkakaroon muli ng pagpupulong sina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at US President Donald Trump.

Sinabi ng Ukrainian President na isasagawa ang pulong sa araw ng Linggo sa Florida.

Tatalakayin ng dalawa ang ceasefire deal na isinusulong ng US para matapos ang ginagawang pag-atake ng Russia.

Dagdag pa nito na gagawa sila ng paraan para maisapinal na ang nasabing kasunduan.

Nasa 90 porsyento ng handa ang 20-point peace plan na napagkasunduan sa pulong ng mga kinatawan ng US at Ukraine.