-- Advertisements --
Naging mabunga ang ginawang pag-uusap sa telepono nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Isa sa mga tinalakay nila ay ang pagbili ng China ng social media platform na Tik-Tok.
Nagkasundo rin ang dalawang lider na magkit sa susunod na buwan sa South Korea.
Kasama rin na natalakay ay ang usapin ng pagsugpo ng iligal na droga, trade deals at ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Dagdag pa ni Trump na magkakaroon pa sila ng pag-uusap sa telepono sa mga suusnod na araw.