TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Nakuha ng TnT Katropa ang unang panalo kontra San Miguel Beermen 109-96 sa best-of-seven finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Terrence Jones ang panalo na nagtala ng 41 points at 12 rebounds.

Nagdagdag naman ng 20 points si Jayson Castro habang mayroong 16 points si RR Pogoy.

Pagpasok sa second half ay mabilis na umarangkada ang TNT kung saan umabot pa sa 20 ang kalamangang nila.

Sinabi naman ni TNT coach Bong Ravena na maaaring pagod pa ang Beermen sa semifinals game nila ng Rain or Shine nitog Biyernes.

Nasayang naman ang nagawang 33 points, 15 rebounds ni Chris McCullough habang may 23 points si June Mar Fajardo.