-- Advertisements --

Napili ang Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa 2027.

Ayon kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian na sabik sila na makabalik sa Pilipinas para sa FIBA Asia event.

Ito ang unang pagkakataon na anc continental-level basketball event ay iho-host ng Pilipinas mula noong 2013.

Dagdag pa ni Khaijirian na naniniwala sila na ang pag-host ng Pilipinas ng FIBA Women’s Asia Cup ay makakatulong sa promosyon nila na lalong magkainterest ang mga babae sa sports na basketball.

Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na masaya sila sa pagkapili ng Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027.

Mula pa aniya noon ay naging mahigpit nilang kasama na ang FIBA sa pagpaprioritize ng paglago ng basketball sa mga kababaihan.

Nasa momentum na ang Pilipinas sa basketball ng kababaihan dahil may ilang mga manlalarong Pinay ay kinukuha ng ibang mga bansa.

Magugunitang noong 2013 ng maging host ang Pilipinas sa FIBA Asia Championship kung saan naging runner-up ang Pilipinas at nakapasok sa 2014 FIBA Basketball World Cup.