-- Advertisements --

Tiniyak ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na mayroon itong mga kagamitan para ma-detect ang mga ‘pekeng videos’ na nagkalat sa online.

Ayon kay Deputy Executive Director Atty. Renato ”Aboy” Paraiso ng CICC, kanila itong binabantayan sa tulong na rin ng inilunsad na Threat Monitoring Center na siyang nagamit noong eleksyon.

Kaya’t aniya’y makaseseguro umano ang publiko na kanilang hindi isinasantabi ang mga bantang posibleng idulot ng mga ito lalo na ang mga deepfake videos o Artificial Intelligence online generated content.

Dahil rito’y idinagdag pa niya na ang pagiging sangkot o pasimuno sa pagkalat ng mga ganitong uri ng content ay maituturing na may paglabag sa batas.

Kaya’t may kaakibat itong parusa sakaling matukoy at madiskubre ng CICC ang pagiging kabahagi ng isang indibidwal sa ilegal na gawain o aktibidad.

Maalala na kamakailan lamang ay may panibagong ‘deepfake’ video ang kumalat sa social media platform gamit ang imahe mismo ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaya’t ang CICC ay agarang gumawa ng pagsusuri at idinulog sa mga social media paltforms upang mapatanggal ng mabilisan na mas kumalat pa ang natruang pekeng video ng pangulo.

Payo nila na mag-ingat at maging mapanuri lalo na sa mga nakikita, napapakinggan at napapanood na mga content sa online.