-- Advertisements --
Abot kamay na lamang ng TNT Tropang 5G ang PBA Finals matapos na makuha nila ang 3-1 na kalamangan sa best of seven PBA 49th Season Philippine Cup laban sa Rain or Shine sa score na 108-92.
Nanguna sa panalo ng TNT si Jordan Heading na nagtala ng 23 points habang mayroong double-double performance si Brandon Ganuelas-Rosser na nagtala ng 22 points at 11 rebounds.
Ayon kay TNT coach Chot Reyes na naging epektibo lamang ang ginawa nilang depensa para mabawasan ang pagpasok ng bola ng Rain or Shine.
Hindi naman umubra ang 18 points na nagawa ni Gabe Norwood para sa Rain or Shine.