-- Advertisements --

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 2-2 ang best of seven PBA 49th Season Philippine Cup nila ng Barangay Ginebra 107-82.

Naging agresibo ang Beermen sa pagpasok ng third quarter sa laor na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Bumida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 19 points habang mayroong 12 points, 19 rebounds si June Mar Fajardo.

Ngayong lamang muling nakapaglaro si Fajardo matapos na magtamo ng right calf injury noong Game 1.

Nag-ambag naman ng 14 points si Juami Tiongson habang mayroong tig-12 points sina Jericho Cruz at Rodney Brondial.

Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria naging mataas ang enerhiya ng koponan kaya sila nagwagi.

Nasayang naman ang nagawang 14 points at pitong rebounds ni Troy Rosario para sa Ginebra.