-- Advertisements --

Pinapabilis na ng Land Transportation Office (LTO) ang distribusyon ng mga lisensyadong plaka ng mga sasakyan sa Region 1.

Binuksan na nitong Sabado ang tanggapan ng LTO sa naturang rehiyon upang agad na maibigay na sa mga amy-ari nito ang plaka ng kani-kanilang mga sasakyan.

Ayon kay LTO Region 1 Regional Dir. Glorioso Daniel Martinez, tiniyak na ng kanilang tanggapan na magiging mas mahusay at mabilis na ang kanilang pagproseso sa magiging pagkuha ng mga may-ari sa kanilang mga plaka.

Layon din nito na mabawasan na ang backlogs ng LTO at masiguro na magiging maayos ang kanilang mga operasyon bago umpisahang ipatupad ang ‘no plate, no travel’ policy sa kanilang lalawigan.

Ang kanilang weekend operations naman ay inaasahang mas makakabawas at makakapagpa-alwan sa mga nakabinbing dapat nang i-release at maiwasan na rin ang siksik ng mga tao tuwing weekdays.

Samantala, nagpaalala naman ang LTO sa mga motorista hinggil sa ‘no plate, no travel’ policy na siyang maghigpit aniyang ipapatupad sa buong bansa simula sa susunod na linggo.