LAOAG CITY – Inihayag ni P/Maj. Divina Albino, tagapagsalita ng Philippine National Police – Region 1 na mayroong 13 firecrackers related injuries and incidents ang naitala sa rehiyon uno ngayong bisperas ng bagong taon.
Aniya, ang kabuuang bilang ng firecrackers related injuries and incidents ay 9 sa Ilocos Sur habang 4 naman sa Pangasinan.
Sabi nito na mahigit 300 ang nasamsam na mga iligal na paputok sa buong rehion uno kung saan 135 dito ay mula sa La Union habang 104 ay sa Ilocos Sur.
Paliwanag niya na mayroon ding naitalang indiscriminate firing sa Ilocos Sur noong Disyembre 16 matapos magpaputok ng baril ang isang indibidwal dahil sa kalasingan nito.
Gayunpaman, sinabi niyang walang naiulat na nasugatan sa insidente.
Samantala, nag-alok ang Ilocos Norte 1st District Congressional Office ng fireworks display na makikita sa Laoag City bypass road sa pagsalubong ng bagong taon.
















