-- Advertisements --

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng mas mahigpit na e-bike at e-trike ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay LTO chief, Asec. Markus Lacanilao, sa darating na linggo ay magsisimula na silang mag-impound ng at magpataw ng multa sa mga mahuhuling lumalabag kaugnay rito.

Paliwanag niya, hindi sana nila gustong mag-impound ng sasakyan, pero dahil masyado nang mabigat ang mga violations at paulit-ulit ay kailangagn na nilang mas higpitan ang implimentasyon.

Maaari namang madagdagan ang kanilang multa kung may makikita pang ibang paglabag ang mga manghuhuli at kung paulit-ulit na ang mga paglabag.