Mark Dickel
Mark Dickel/PBA image

Itinalagang bilang interim coach ng Gilas Pilipinas si Mark Dickel.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP), magiging interim basis lamang ang pagtalaga sa two-time Olympian at kasalukuyang coach ng TnT KaTropa.

Hahawakan niya ang national team na sasabak sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 20-23.

Si Dickel na rin ang pipili ng 24-man pool na bubuin ng PBA at amateur players na maglalaro laban sa Thailand sa Pebrero 20 na gaganapin dito sa bansa na susundan ng laban kontra sa Indonesia sa Britama Arena sa Jakarta sa Pebrero 23.