-- Advertisements --

Namonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa state weather bureau, namataan ang LPA sa layong 1,410 kilometro silangan ng Central Luzon, ngunit tiniyak nila na mababa ang tsansa nitong maging isang tropical depression sa susunod na 24 oras.

Samantala, ibinabala naman ng weather bureau ang thunderstorm advisory para sa ilang lugar sa Luzon tulad ng Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bataan, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal dahil sa mga posibleng pag-ulan at pag-kidlat.

Dahil sa habagat, patuloy na makakaranas ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng bansa, habang localized thunderstorms naman ang inaasahan sa ibang lugar.