-- Advertisements --
Hindi pinatawad ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang sister company na San Miguel Beermen para makuha ang unang panalo ng PBA Season 49 Philippine Cup semifinals 73-71.
Bumida sa panalo ng Gin Kings si Scottie Thompson na nagtala ng 16 points, walong rebounds, isang assists at isang steal habang mayroong 18 points si Japeth Aguilar.
Sinabi ni Ginebra head coach Tim Cone na naging matindi ang ipinagana nilang depensa lalo kay Beermen star June Mar Fajardo.
Ginamit din nito ang ilang mga bench players para bantayan si Fajardo gaya nina Ben Adamos, Raymond Aguilar at Troy Rosario.
Hindi naman umubra ang ginawang 21 points ni CJ Perez para sa Beermen.