-- Advertisements --

Nanawagan si private prosecutor Atty. Lorna Kapunan na manatiling “safe space” para sa kababaihan at senior citizens ang Senado matapos ang pahayag ni Sen. Raffy Tulfo tungkol sa isang prosecutor na aniya ay “nagpapa-cute.”

Sinabi ni Kapunan na dapat alalahanin ng Senado na ito ang nagpasa ng Safe Spaces Act o “Bawal Bastos Law,” na ang may akda si Sen. Risa Hontiveros.

Ayon kay Kapunan, maaaring misstatement lamang ang naging pahayag ngunit umaasa siyang mananatiling ligtas na lugar ang Senado para sa mga kababaihan at nakatatanda.

Ibinahagi rin ni Kapunan na may narinig siyang isang abogado na nagsabing dapat na siyang magretiro. Nang tanungin siya tungkol dito, sinabi niyang, “Sino siya?”