-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang 5G ang unang panalo sa semfinals ng 49 Philippine Cup laban sa Rain or Shine 98-91.

Sinabi ni TNT head coach Chot Reyes na naging matindi ang depensang ipinakita nila kaya tinalo ang Rain or Shine sa laro na ginanap sa Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.

Bumida sa panalo ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 28 points at apat assists habang mayrong 16 points at 10 rebounds si JP Erram.

Nasayang naman ang nagawang 14 points ni Andrei Caracut para sa Rain or Shine.