Troopang Giga
-- Advertisements --

Nananatiling wala pang panalo sa dalawang laro ang Magnolia sa best of seven finals ng PBA Philippine Cup.

Tinalo kasi ng Tropang Giga ang Magnolia 97-86 sa laro na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nanguna sa panalo ng TNT ang rookie na si Mikey Williams na nagtala ng 28 points, nine rebounds at anim na assists.

Nakapag-ambag naman ng 16 points si Jayson Castro habang mayroong 11 points si Troy Rosario at 10 points naman si Ryan Reyes.

Sa simula pa lamang ng laro ay naging agresibo na ang TNT kung saan hindi na hinayaan pang makahabol at makalamang ang Magnolia.

-- Advertisement --