-- Advertisements --
Patay ang dalawang bumbero matapos na sila ay pagbabarilin ng rumesponde sa Kootenai County sa Idaho.
Base sa imbestigasyon na mayroon silang natanggap sa 911 na tawag kung saan mayroong sunog sa Canfield Mountain.
Pagdating ng mga bumbero mula sa Coeur d’Alene Fire Department ay sila ay pinagbabaril na ikinamatay ng dalawa habang sugatan ang isa pang kasama nila.
Matapos ang ilang oras ay kanilang natagpuang patay ang 20-anyos na suspek na si Wess Roley.
Nakita ang suspek sa isang bahagi ng bundok katabi ang sniper na baril na ginamit ng suspek.
Inaalam na rin ng mga otoridad ang pinakamotibo ng suspek sa pamamaril.