-- Advertisements --

Tiniyak ni Energy OIC Secretary Sharon Garin na naghahanda ang gobyerno para sa anumang worst case scenario kaugnay sa Iran-Israel conflict.

Lalo na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Garin na sa ngayon wala pa namang dapat ikabahala dahil bumaba naman ang presyo ng langis na nasa $69 per barrel. 

Umaasa ang mga economic managers na magpapatuloy sana ang pagbaba sa presyo ng langis.

Binigyang-diin ni Garin na ang ginagawa ngayon ng pamahalaan ay maghanda sa worst case scenario partikular ang posibleng pagka ubos ng suplay ng langis sa bansa na magreresulta sa pagsirit sa presyo.

Aniya may mga long term solutions ng inihahanda ang pamahalaan ukol dito at may option din na maghanap ng iba pang mga supplier gaya ng US, Canada, Brazil at iba pang mga bansa.

Dagdag pa ni Garin ang kanilang magiging base line para magdeklara ng state of emergency ang DOE ay kung aabot na sa $80 per barrel ang presyo ng langis sa world market.

Iniulat ng ahensiya na sa ngayon mayruong 30 days buffer stock ang bansa ng langis.

Duda rin si Garin sa posibilidad na ipasara ng Iran ang Straight of Hormuz  dahil labag ito sa interest ng lahat lalo na ang mga nasa Middle East at ng buong mundo.