Mariing pinasinungalingan ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ang pahayag ni VP Sara Duterte na ang inihaing impeachment complaint laban sa kaniya ay politically motivated.
Batay sa naging pahayag ni VP Sara target ng kaniyang mga kalaban sa pulitika na siya ay i-eliminate dahil siya ang 2028 presidential contender.
Ayon kay Adiong ang nasabing pahayag ng Bise Presidente ay isang panglilihis sa totoong isyu na accountability.
Ipinunto ni Adiong na hindi lisensiya ang pagiging frontrunner para gumawa ng krimen o lumabag sa Konstitusyon.
Una ng inakusahan ni Duterte ang mga mambabatas natumanggap ng pera bilang compensation sa kanilang suporta sa impeachment complaint.
Tinawag ni Adiong na isang malisyoso ang nasabing pahayag ng Vice President at insulto sa bawat miyembro ng Kamara.
Giit ni Adiong dapat sagutin ni VP Sara ang mga alegasyon laban sa kaniya lalo na ang maling paggamit sa confidential funds, pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng bansa at ang kaniyang involvement sa state-sanctioned killings.
Hinimok ni Adiong si VP Sara na harapin ang proseso ng may dignidad at huwag ilihis ang mga isyu.