-- Advertisements --

Binalaan ni US President Donald Trump ng bagong taripa ang Japan dahil sa hindi nila pagtanggap ng mga inangkat na bigas mula sa US.

Sinabi ni Trump na malaki ang respeto nito sa Japan at dahil sa hindi nila tinatanggap ang kanilang bigas.

Giit nito na nagmamatigas ang Japan na hindi tanggapin ang kanilang bigas kahit na mayroon silang kakulangan ng suplay ng bigas.

Pangalawa kasi ang Japan na pinag-susuplayan ng US ng bigas.

Magugunitang noong Abril ay nagpatupad si Trump ng 10 percent na taripa sa lahat ng mga inaangkat na produkto sa halos lahat ng mga trading partners.