-- Advertisements --
Ginisa naman ng mga mambabatas ng Amerika si US Director of National Intelligence Tulsi Gabbard ukol sa giyera nila sa Iran.
Ipinatawag siya sa kadahilanan na kung kailangan bang talagang atakihin ang Iran.
Giiti nito na tanging si US President Donald Trump lamang ang makakasagot kung may direktang banta ang Iran sa kanila.
Natitiyak naman niya na gumagawa ng paraan ang Trump administration para matugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng langis sa US.
Magugunitang una ng sinabi ni Trump na isang banta ang Iran sa kanila dahil sa paggawa nila ng nuclear weapons kaya nagpasya sila kasama ang Israel na maglunsad ng pag-atake.
















