-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bhutan Prime Minister Tshering Tobgy sa Malacañang na nag marka ng kauna-unahang leaders’ level engagement ng Pilipinas at Bhutan.

Ito rin ang unang pagkakataon na nag-host ang isang Pangulo ng Pilipinas ng Bhutanese leader sa Palasyo. 

Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa, kabilang ang pagbuo ng non-resident ambassadors at kooperasyon sa skills training sa pamamagitan ng Technical Education and Skills development Authority (TESDA).

Binigyang-diin ni Pang. Marcos ang pangangailangang palawakin ang partnerships sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, turismo, at people-to-people exchanges matapos ang pandemya.

Nasa bansa si Tobgay para dumalo sa Asia pacific Food Systems Forum 2026, kasabay ng pagpapatibay ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa na naitatag noong Oktubre 2025.

Kabilang sa inaangkat at iniluluwas ng dalawang bansa ang electronics, makinarya, alak, at produktong agrikultura, habang patuloy ding lumalago ang turismo at presensya ng mga Pilipino sa Bhutan.