Iniimbistigahan na ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na ang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nag-iendorso ng online trading platform.
Sinabi ni PNP-ACG director Brig. Gen. Bernard Yang na nakipag-ugnayan na ang kanilang kanilang imbestigador sa iba’t-ibang mga social media sites.
Ipinipreserba na nila ang digital footprints bilang ebidensiya para sa case filing.
Dagdag pa nito na mayroon na silang mga nakilalang mga indibidwal na nasa likod ng paggawa ng mga deepfakes videos kung saan ginagamit nila ang mga kilalang personalidad.
Pagtitiyak naman nito na agad-agad nilang iniimbestigahan at sinasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga deepfake kung saan ina-aplyan nila ng mga cyber warrant.