Hindi pa rin natatanggap ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang affidavit of complaint ng itinuturing na state witness sa kaso ng mga nawawalang sabungero na si alyas “Totoy”.
Ito ay matapos na kumpirmahin ni NAPOLCOM Vice Chairperson Atty. Rafael Calinisan na kasalukuyan nanag nagsasagawa ng inisyal na imbestigation ang kanilang tanggapan hinggil sa mga naging pahayag ni Totoy na mayroong higit sa 20 mga kapulisan ang sangkot sa naturang kaso.
Ani Calinisan, maigi nang umutang ang complainant para mabuksang muli ang kaso ng mga sabungero at mabigyan na ng sagot at hustisya ang mga pamilya ng mga biktima.
Nanawagan siya sa complainant na dumulog sa kanilang tanggapan dahil maliban sa kailangan siyang mkausap at makuha ang kaniyang mga nalalaman para maresolba ang kaso at dapat rin siyang pormal na maghain ng reklamo sa NAPOLCOM.
Nangako din si Calinisan na hindi nila palalampasin ang pagkakasnagkot ng mga pulis sa mga malalaking kaso gaya ng pagkawala ng 34 na mga sabungero at titiyakin aniya ng kanilang tanggapan na ito aya agad nilang aaksyunan.
Samantala, kasunod naman nito ay tiniyak rin ng opisyal na hindi magdadalawang isip ang kanilang opisina na disiplinahin at kung mapatunayang sangkot ay agad na tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na ito at hahatulan ng dismissal from service.