weigh in pacquiao thurman
Pacman Thurman

Humirit ng rematch si American boxer Keith Thurman kay Manny Pacquiao.

Ayon sa 30-anyos na si Thurman na hindi katanggap-tanggap ang naging desisyon ng judges na split-decision.

Handa aniya itong magtungo sa Pilipinas para pag-usapan ang nasabing rematch.

Wala din aniyang magiging problema kahit na sa Pilipinas pa gawin ang nasabing rematch.

Tinitiyak nito na mas magiging matindi ang laban na ipapalasap niya sa Filipino boxing champion.

Hinamon din nito ang fighting senator na pirmahan na lamang ang kontrata para sa nasabing rematch.