-- Advertisements --

Nanawagan si Ukrainian World heavyweight boxing champion Oleksandr Usyk kay US President Donald Trump na tulungan sila laban sa Russia.

Sinabi nito na dapat ay buksan ng mata ni Trump at tignan ang mga nagdurusang Ukrainian.

Naniniwala din ito na tutuparin ni Trump ang kaniyang naging pangako noong kampanya na ipapatigil ang nasabing kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Personal din nito inimbitahan si Trump na bumisita sa Ukraine para malaman ang tunay na kalagayan ng nasabing bansa.

Ang WBC, WBA and WBO heavyweight champion ay sumama pa sa mga sundalo ng Ukraine para labanan ang mga puwersa ng Russia.