-- Advertisements --

All-set na si four-division boxing champion Nonito Donaire sa kaniyang muling pagsabak sa boxing.

Makakaharap niya para sa interim WBA bantamweight si Andres Campos ng Chile na gaganapin sa Argentina ngayong Hunyo 14.

Ang 42-anyos na si Donaire ay galing sa dalawang sunod na pagkatalo na noong 2022 ay tinalo siya ni undisputed junior featherweight champion Naoya Inoue sa ikalawang round pa lamang ng kanilang rematch.

Taong 2023 naman ay tinalo ito sa pamamagitan ng unanimous decision ni Alexandro Santiago para sa bakanteng WBO bantamweight title.

Huling panalo ni Donaire ay noong Disyembre 11, 2021 ng talunin niya si Reynaldo Gaballo sa Round 4 para maidepensa niya ang kaniiyang WBC bantamweight title.

Mayroong record si Donaire na 42 panalo, walong talo na may 28 knockouts habang si Campos ay mayroong 17 panalo, dalawang talo, isang draw at anim na knockouts.