Patuloy lang sa pagtatrabaho si Presidential Communications Office acting Secretary Jay Ruiz.
Ito’y sa kabila ng mga balita na may papalit na sa kaniyang pwesto.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na nananatili si Secretary Ruiz sa pagtitimon ng Presidential Communications Office (PCO).
Sinabi ni Usec Castro, walang impormasyong nakakarating sa kanila hinggil sa umano’y pagpapalit sa pamunuan ng Presidential Communications Office.
Binigyang-diin ni Castro na tuloy lang sa kaniyang trabaho si Ruiz na siyang nananatiling Acting Secretary ng PCO.
Tugon ito ni Castro kaugnay sa mga ugong na may napili ng bagong PCO Secretary si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa mga ulat isang PR executive ang matunog na umano’y papalit sa pwesto ni Ruiz.
Si Ruiz ay muling nire-appoint ni Pangulong Marcos matapos ma-bypass ng Commission on Appointment (CA).
“Secretary Jay remains to be the acting secretary of PCO. So, if there are any rumors, no such information has reached us,” pahayag ni USec. Castro.