Hinihintay na lamang ni Pinoy boxing champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mananalo sa pagitan nina Antonio Vargas at Daigo Higa na gagaganpin sa Japan sa Hulyo 30 para sa kaniyang full WBA bantamweight championship.
Ito ay matapos na magwagi 42-anyos na si Donaire laban kay Andres Campos ng Chile para makuha ang WBA interim bantamweight title sa laban na ginanap sa Argentina.
Nakuha ni Donaire ang technical decision na panalo matapos na pahintuan ng referre ang laban sa ika-siyam na round dahil sa accidental head butt na ikinasugat ng kaliwang mata nito.
Ang resulta ng laban ay siyang nagtuldok sa pangalawang sunod na pagkatalo ni Donaire.
Noong 2022 ay tinalo siya ni Japanese superstar Noaya Inoue at nabigo rin siya laban kay Alexandro Santiago noong Hulyo 2023.
Mayroon ng 43 panalo at walong talo si Donaire na mayroong 28 knockouts.