-- Advertisements --

Ikinatuwa ni dating DOH secretary Jannete Garin ang naging hatol ng Sandiganbayan Special Second Division kung pinawalang sala siya sa kasong graft at technical malversation o ang ilegal na paggamit ng pondo ng ng bayan.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na pagbili noong 2015 ng mga bakunang Dengvaxia na nagkakahalaga ng P3.556 bilyong piso, bilang bahagi ng school-based immunization program ng Department of Health o DOH.

Kasama ring pinawalang-sala sa kaso sina dating DOH Undersecretary Gerardo Bayugo, Undersecretary Kenneth Hartigan-Go, OIC Director Joyce Ducusin, at dating Philippine Children’s Medical Center Executive Director Julius Lecciones.

Personal na dumalo si Garin sa korte nang ilabas ang desisyon. Ipinahayag niya ang kasiyahan sa naging hatol at sinabing hindi lamang para sa kaniya ang naturang desisyon kundi para rin sa mga siyentista, doktor at eksperto sa kalusugan na sumuporta sa programa ng pagbabakuna.

Naging kontrobersiyal ang Dengvaxia program matapos simulan ang pagbabakuna sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan noong 2016. Daan-daang libong bata ang nabakunahan bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa dengue.

“Allow me to emphasize the fact na patuloy na naga-attend ang atin mga researchers, scientists, public health experts sa naging kasong ito. Naintindihan po namin na meron tayong mga anti-vaccine advocates, subalit hindi namin pwede pabayaan ang aming tungkulin and me, myself as an advanced trained vaccinologist, hindi rin po namin pwedeng talikuran ang pababakuna because vaccination saves lives. So again, natutuwa kami, this is a win not for me but for our scientists and public health experts,” ayon pa sa pahayag ni Garin.

Panawagan naman ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin sa publiko na huwag i-demonize ang pagpapabakuna dahil sa kontrobersiyang idinulot ng Dengvaxia program.

“We have been advocating for all vaccines. At ang aming pangpanawagan ay hindi wag i-demonize na intindihan natin meron mga anti-vaccine groups at nirerespetro natin ito. Sobalit hindi kami pwede numin to dahil ang pababakuna is actually saving a lot of lives,” dagdag pa ni Garin.

Giit niya, dapat na manaig ang tamang impormasyon at siyentipikong ebidensiya sa pagtalakay sa mga bakuna, lalo na sa usapin ng kaligtasan at pagprotekta sa publiko laban sa mga sakit.