Naglabas ng ‘resibo’ ang Palasyo sa pagdalo rin ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa aktibidad na pagsira ng nakumpiskang iligal na droga.
Sa press briefing, ipinakita ni Palace Press Officer Claire Castro ang isang newspaper clipping tungkol sa pagsaksi ng dating Pangulo sa incineration ng P7.51B na halaga ng droga sa Cavite noong 2020.
Buwelta ito ng Malakanyang sa patutsada ni Vice President Sara Duterte kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. nang sabihing hindi trabaho ng Pangulo na sumira ng ebidensya at mag-photo op sa mga nakumpiskang iligal na droga.
Kaya paalala ni Castro kay VP Sara, ginawa rin ito ng kanyang ama.
Binigyang diin rin ng opisyal ang layunin ng hakbang ng Presidente na masawata ang iligal na droga at magbigay babala sa mga kriminal.
Dagdag ni Castro, mas mainam ang ginawa ni PBBM kaysa sa hindi pag-aksyon sa nawalang droga sa magnetic lifter noong panahon ng dating administrasyong Duterte.