-- Advertisements --
Walang tigil pa rin ang ginagawang pag-eensayo ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao para sa kaniyang nalalapit na laban kay Mario Barrios.
Maging ang dating nakasagupa ni Pacquiao na si Shane Mosley ay naniniwalang kayang-kaya ng Pinoy boxer na patumbahin si Barrios.
Dagdag pa nito na nakikita niya ang pagpupursige ni Pacquiao at kahit na may edad na ay nandoon pa rin ang pagpupursige para manalo.
Magugunitang noong 2011 ng magkaharap ang dalawa kung saan nagwagi si Pacquiao sa pamamagitan ng 12 round unanimous decision.
Taong 2017 ng tuluyan na ring magretiro ang US boxer nas Mosley.
Gaganapin ang laban ni Pacquiao at Barrios sa darating na Hulyo 19, sa Las Vegas.