-- Advertisements --

Muling binalikan ng prosecution sa impeachment trial ang mga bank transaction noong 2010 na iniuugnay kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Sa ika-35 araw ng paglilitis ngayong Miyerkules, tinanong ni Senator-judge Ping Lacson ang prosecution kung saan patungo ang presentasyon ng mga lumang bank transaction, lalo’t kinukuwestiyon ng defense ang kaugnayan ng mga rekord mula sa naturang panahon sa kasalukuyang impeachment case.

Sa pagtatanong ni Lacson kay private prosecutor James Bryan Ibrahim Alih, inalam niya kung layunin ng prosecution na maglatag ng isang pattern na gagamitin upang patunayan umano ang concealment.

Kinumpirma naman ni Alih na bahagi ng kanilang layunin ang pagtatatag ng naturang pattern.

Ipinaliwanag ng prosecutor na kinakailangan nilang maayos na mailahad ang mga dokumento upang maipakita ang sinasabi nilang pattern, kaya umaabot ng panahon ang kanilang presentasyon.