-- Advertisements --

Isa na namang makasaysayang tagumpay ang naabot ni Manny Pacquiao matapos siyang opisyal na mainduct sa International Boxing Hall of Fame nitong Lunes, Hunyo 9, sa edad na 46.

Sa kanyang talumpati, binalikan ni Pacquiao ang kanyang payak na simula sa General Santos City, kung saan nagsimula ang kanyang paglalakbay bilang isang nangangarap na boksingero.

“I dedicate this moment to every underdog, dreamer, person who keeps fighting even when the odds are against them,” ani Pacquiao.

Kabilang sa mga kasabay niyang inductees sina Vinny Paz, Michael Nunn, at kilalang referee na si Kenny Bayless. Nasa audience rin ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Ibinahagi din ng eight-division world champion na ginamit niya ang boksing upang makatakas sa kahirapan, at mapalapit sa tagumpay laban sa ilang mga pinakamagagaling na manlalaro sa mundo tulad nina Oscar Dela Hoya, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, at marami pang iba.

“Boxing gave me a way out… Every fight, every victory was a step further from poverty,” dagdag ni Pacquiao.

Maalalang sa darating na Hulyo, muling babalik sa ring si Pacquiao para harapin ang Amerikanong si Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa MGM Grand, Las Vegas.