Greg Abbott
-- Advertisements --

Hindi itinuloy ng Texas ang pagbubukas ng kanilang estado dahi sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Texas governor Greg Abbott, na ang hindi muna pagbubukas ng estado ay makakatulong para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.

Kabilang kasi ang Texas sa 29 estado sa US na nakakaranas ngayon ng panibagong pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Itinuturo ng ilang eksperto ang pagbabalewala ng mga tao sa pagsuot ng face mask at physical distancing ang siyang nagigig sanhi ng nasabing pagtaas ng kaso ng coronavirus.