-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga otoridad na nakatalaga sa Border Patrol facility sa McAllen, Texas.

Ayon sa Department of Homeland Security , pinaputukan ng suspek ang harapan ng US Border Patrol sector annex.

Agad naman na nakipagpalitan ng putok ang mga kapulisan at Border Patrol agents kung saan napatay nila ang suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang FBI ukol sa nasabing insidente.