-- Advertisements --

Sumabog ang Starship spacecraft ng SpaceX habang naghahanda para sa ika-10 test flight.

Itinuturing na ito ang isa sa kapalpakan ng Mars rocket program ni Elon Musk.

Nangyari ang insidente sa Brownsville, Texas Starbase.

Ang 400-foot (122 meter) na taas Starship rocket system ay may layon sana na magdala ng mga tao sa planetang Mars

Nilinaw naman ni Musk na lahat ng kaniyang mga personnel ay ligtas.

Magugunitang noong Abril ay sumabog din ang spacecraft matapos na lumipad mula sa Texas.

Dahil sa nasabing insidente ay hinigpitan ng US Federal Aviation Administration (FAA) ang air traffic sa bahagi ng Florida.